Nanindigan ang BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi nila papayagan ang plano ng ilang bangko na itaas ang singil sa ATM transactions.
Ayon sa BSP, hindi makatuwiran ang anumang pagtataas sa singil sa pag check ng account balance at withdrawal gamit ang ATM.
Sinabi pa ng BSP na dadaan sa kanilang pagbusisi ang anumang dagdag na singil sa ATM transactions.
Kasunod ito ng pahayag ng banking regulator na kanila nang inaalis ang moratorium sa anumang ATM fees na naunang ipinatupad mula pa noong 2013.
Una nang napaulat na posibleng umabot sa 20 hanggang 30 pesos ang ATM fee para sa withdrawals.