Nagbababala ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP laban sa mga online Bitcoin pyramiding scam na kunwaring ginagamit bilang mga investment.
Kasunod ito ng pagdami ng mga naaakit at nagpaplanong bumili o mag-invest ng Bitcoin.
Ayon sa BSP, totoong maaaring kumita sa pagbili, pag-iipon at pagbebenta ng Bitcoin kapag tumaas ang halaga nito tulad ng ginagawa sa stock market.
Gayunman, paalala ng BSP, walang katiyakan at mabilis magbago ang halaga ng virtual currency na maaari namang ikalugi ang mga namumuhunan dito.
Dagdag ng BSP, wala rin silang planong iendorso ang Bitcoin lalo’t walang kahit anong central bank ang nag-iisyu o gumagarantiya dito.
Nireregulate lang anila ang palitan ng Bitcoin sa pera lalo’t ilang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na ang ginagamit ang Bitcoin para sa kanilang mga remittance.
—-