Patay ang isang bouncer matapos barilin ng isang customer sa isang bar sa San Vicente, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Kevin Villanueva, 27-anyos kung saan, kasama ang isang waiter ay nagpunta sila sa suspek na papauwi na sana sakay ng isang motorsiklo upang singilin sa konsumo nito sa naturang establisimyento.
Agad na bumaba ang suspek mula sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima saka mabilis na umalis.
Ayon kay Police Lieutenant Jay De Guzman, Deputy Provincial Director for Administration ng Ilocos Sur PPO, naaresto ang suspek makaraang magtungo ang pulis sa crime scene.
Samantala, isa pang kasama ng suspek ang inaaresto rin dahil umano sa panggugulo sa nasabing bar.
Nakita naman sa motorsiklo ang isang baril at magazine na may mga bala.
Humihingi ngayon ng hustisya ang ina ng biktima dahil sa sinapit ng kaniyang anak sa kamay ng suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero