Iginiit ng Department of Education na patuloy pa ring gagamitin bilang opsyon ng kanilang ahensya ang blended learning para sa darating na pasukan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi aalisin ng Pilipinas ang blended learning sa kabila ng paghikayat sa mga pampubliko at pribadong paaralan na magsagawa ng personal na klase para sa darating na School Year 2022- 2023.
Sinabi ni Briones na hindi dapat talikuran ng bansa ang teknolohiya, digitalization, at kasaysayan ng Pilipinas sa gitna ng pandemiya at muling pagbabalik ng Face-to-Face classes.
Iginiit ng kalihim na ang mga mag-aaral ay dapat matuto sa pamamagitan ng electronic at online media gayundin ang tradisyonal na face-to-face instruction.