Mas marami ang bilang ng nasawing mga Amerikano dahil sa COVID-19 kumpara nang maranasan ang flu pandemic noong 1918.
Batay sa datos ng Johns Hopkins University Tracker, nitong nakaraang Biyernes, pumalo na sa 675,722 ang bilang ng COVID deaths sa US.
Nahigitan nito ang 675,000 deaths sa US noong Inluenza outbreak na nagsimula sa huling taon ng World War 1.