Tumaas ang bilang ng walang trabaho sa buong bansa noong 2017.
Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), pumalo sa 5.7 percent ang unemployment rate noong nakaraang taon na bahagyang mataas sa 5.5 percent noong 2016.
Katwiran ng NEDA, resulta ito ng pagdami ng mga kabataang nag-aaral dahil sa pagpapatupad ng senior high school sa ilalim ng K-12 program.
Anila, ang naturang mga kabataan ay tumigil sa pagta trabaho upang muling pumasok sa paaralan.
Umaasa naman ang NEDA na sa pagtatapos ng 2018 ay mababawasan na ang unemployment rate dahil sa pag gulong ng Build, Build, Build program ng gobyerno na inaasahang magbibigay ng libu-libong trabaho.
—-