Sumampa sa 6% o katumbas ng 2.99 million Filipinos ang walang trabaho noong June 2022.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay mas mataas kumpara sa 2.93 million na naitala noong Mayo.
Nabatid na ang kasalukuyang datos ng unemployment rate sa bansa na 6% ay hindi nagbago simula noong May, na mas mababa kumpara sa 7.7% o katumbas ng 3.77 million noong June 2021.
Bumaba naman ang underemployment rate o mga manggagawa na naghahanap ng mas maraming trabaho sa 12.6% o 5.89 million mula sa 14.5% o 6.67 million.