Inihayag ni Department of Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat na maganda ang naging resulta sa industriya ng turismo na ginawang pagbubukas ng bansa sa lahat ng international travellers.
Ayon kay Puyat, hindi nila inaasahan ang maagang pagdagsa ng mga turista mula nitong Pebrero 10 hanggang Pebrero 28.
Base aniya sa kanilang talaan, sa pagitan ng nasabing petsa, pumalo sa 47,715 ang mga turistang dumating sa bansa kung saan45% dito ay mga balikbayan habang 55% naman ang mga dayuhan o foreign tourists.
Sinabi pa ni Puyat na karamihan sa mga dayuhang turista ay mula sa Amerika, Canada, United Kingdom, South Korea, Australia, Vietnam at Germany.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)