Umabot na sa kalahating milyon ang naitalang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange simula nitong Oktubre 27 hanggang 29.
Ito’y upang umuwi sa kani-kanilang probinsya para igunita ang Undas sa Nobyembre 1.
Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan nilang dadagsain sila mamayang tanghali hanggang bukas.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagtaas ng naitatalang pasahero sa naturang terminal.
As of 9 a.m., umakyat na sa mahigit P50-K pasahero ang dumagsa sa PITX para umuwi ng probinsya.
Kaugnay nito, umakyat na sa mahigit pitumpu ang nakumpiskang ipinagbabawal dalhin o isakay sa bus, kabilang na ang itak, kutsilyo, gunting, lighter, cutter blade, at iba pa.
Kaya naman, pinapaalalahanan ng terminal ang mga pasahero na huwag nang magdala ng mga gamit na matatalim upang maging ligtas sa biyahe.




