Lumobo pa sa mahigit tatlundaang flood control projects ng Department of Public Works and Highways sa Quezon City ang nawawala, parehong-parehong contract cost, at mga proyektong itinayo sa mga lugar na hindi flood-prone mula noong 2022 hanggang ngayong 2025.
Ito mismo ang kinumpirma ni QC Mayor Joy Belmonte sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon ng pamahalaan hinggil sa flood control projects ng DPWH.
Ayon sa alkalde, mula sa dating mahigit dalawandaan, umakyat pa sa 331 projects ng DPWH ang pinaniniwalaang iregularidad dahil dalawang proyekto lamang ang pinayagan ng lokal na pamahalaan.
Sa 331 na proyekto, nakakahalaga ito ng 17 billion pesos.
Gayunman, handa ang QC LGU na isumite sa Independent Commission for Infrastructure ang resulta ng fact-finding investigation at nakipagkasundo rin sila sa Philippine Institute of Civil Engineers – QC Chapter para sa third-party review kung may silbi ba ang mga nasabing proyekto alinsunod sa drainage master plan.
Maglalabas din ng cease-and-desist order ang QC sa mga ongoing projects na nakikitang nakakapagpalala ng baha sa lungsod.





