Batay sa tala ng Department of Education, nabawasan ang mga Grade 3 students na itinuturing na “low-emerging readers” sa halos 2,000, mula sa dating mahigit 51,000.
Ayon sa DepEd, bunga ito ng kanilang inilunsad na summer literacy drives tulad ng Learning Recovery Program at Bawat Bata Makababasa Program.
Ayon sa DepEd, bunga ito ng kanilang inilunsad na summer literacy drives tulad ng Learning Recovery Program at Bawat Bata Makababasa Program.
Naitala naman ang malaking pagtaas ng bilang ng mga nakakabasang estudyante sa Northern Mindanao, kung saan nadagdagan ng halos anim na libo ang Grade 1 na nakakabasa ng mother tongue language; mahigit limang libo naman ang itinaas ng bilang ng mga nakakabasa ng Filipino sa mga Grade 2 students;
Mahigit anim na libo naman ang nadagdag sa mga Grade 3 na nakakabasa ng Filipino; at halos limang libo sa Ingles.
Sa kabuuan, nasa limampung libong mag-aaral ang napahusay ang kanilang pagbabasa dahil sa L.R.P., at karagdagang apatnapu’t dalawang libong estudyante dulot ng B.B.M.P.