Pumalo na sa 108 na mga indibidwal ang nabiktima ng riding in tandem, simula Enero ng taong kasalukuyan hanggang nitong Lunes.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Commitete Chairman Senador Richard Gordon, mula sa nasabing bilang, 85 ang namatay.
Inilabas ni Gordon ang datos sa ika-anim na pagdinig kaugnay sa umano’y anomalya sa pagpapatupad ng motorcycle crime prevention act.
Kabilang sa mga nabiktima ng riding in tandem ay 60 sibilyan, 11 pulis, 16 government officials, isang guro at iba pa.
Giit ni Gordon, kung naisyu na sana ang mga plaka at may operation center na ay agad na mahuhuli ang mga salarin sa riding in tandem.
Lumalabas pa anya na estapador ang pamahalaan dahil pinagbayad ang publiko para sa plaka pero wala pa ring natatanggap hanggang sa ngayon.
Kasunod nito, ipinangako naman ng lto na sa June 18 tapos na ang distribusyon ng motorcycle plates na matagal nang na-delay.