Pinalaya na ng New People’s Army o NPA ang binihag nilang sundalo sa Nieves, Agusan del Norte.
Ito ang kinumpirma ni Brig. General Paul Atal, acting commander ng 4th Infantry Division ng Philippine Army.
3 buwan ding binihag si Bingil na miyembro ng army’s bayanihan team sa barangay mahagsay sa bayan ng San Luis.
Inaasahang dadalhin si bingil sa Camp Evangelista station hospital sa Cagayan de Oro city para isailalim sa treatment matapos makaranas ng fatigue.
By: Meann Tanbio