Nakuha ng kumpanya ng tiyuhin ng Pangulong Benigno Aquino III ang kontrata para mag suplay ng wi-fi sa may 100 syudad at munisipalidad sa bansa.
Nakapaloob ang proyekto sa mahigit isa at kalahating bilyong free wi-fi internet in public places project ng Department of Science and Technology o DOST.
Ayon kay DOST-Information and Communications Technology Office Spokesman Roy Espiritu, nagwagi sa serye ng mga bidding ang AZ Communications Inc. ni Antonio “Tonyboy” Cojuangco.
Napag-alamang nag-iisa lamang ang AZ Communications sa halos lahat ng biddings.
Ang AZ Communications ang mag-susuplay ng Internet Protocol Transport Municipalities o IPTM connectivity para sa proyekto na naglalayong maglagay ng libreng wi-fi internet hotspots sa may 987 3rd hanggang 6th class municipalities nationwide.
By Len Aguirre