Posibleng maging available na rin ang COVID-19 vaccines para sa mga batang edad 11 taong gulang pababa bago matapos ang taong ito.
Ito ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ay dahil nakipag-ugnayan na sa kanila ang Pfizer, at nagtanong kaugnay sa mga requirement na kakailanganin para sa emergency use authorization (EUA).
Bukod sa Pfizer, sinabi ni Domingo na kinukumpleto na rin ng chinese vaccine maker na Sinovac ang mga dokumento para sa EUA application upang magamit sa mas nakababatang populasyon.
Sa ngayon, tanging ang mga bakunang Pfizer-Biontech at Moderna ang pinapayagang maiturok sa mga edad 12 hanggang 17. —sa panulat ni Hya Ludivico