Patuloy na nananawagan ang chairman ng Golden Boy Promotions na si Oscar Dela Hoya na i-boycot ang laban ng dati niyang alaga na si Floyd Mayweather Jr. kontra kay UFC Superstar Conor McGregor sa Agosto 26.
Ito’y bilang protesta ni Dela Hoya dahil sa pagkakasabay ng laban ng nila Mayweather at McGregor sa kaniyang alaga na si Miguel Cotto kontra naman kay Yoshihiro Kamegai para sa WBO Junior Bantamweight Crown na gagawin sa Stubhub Center sa Los Angeles.
Kasunod nito, hindi naman nababahala si Cotto kahit magsabay pa ang laban nila ni Mayweather dahil sa magkaibang sport naman aniya ang kanilang laban na gagawin sa magkahiwalay na lugar.
Kung sa Los Angeles gagawin ang laban nila Cotto at Kamegai, sa T-Mobile Arena naman sa Las Vegas, Nevada gagawin ang laban nila Mayweather at McGregor.
By Jayamark Dagala