Matapos ang sampung magkakasunod na linggong dagdag-presyo, magpapatupad naman ng oil price rollback ang mga kumpanya sa Martes.
Ayon sa Department of Energy, posibleng maglaro sa piso hanggang 1.20 sentimos ang tapyas sa kada litro ng gasolina; .60 hanggang .70 sentimos sa diesel habang .65 hanggang .75 sentimos sa kerosene.
Bago nito, siyam na sunod-sunod na linggong taas-presyo sa gasolina ang inilarga ng mga oil company.
Ito naman ang ikalawang sunod na linggong nag-rollback ang presyo ng diesel at kerosene.—mula sa panulat ni Drew Nacino