Posible pa rin umanong malunasan ng binuong bakuna kontra COVID-19 ang bagong strain ng coronavirus na nadiskubre sa United Kingdom.
Ito ang inihayag ni Dr. Mario Panaligan, pangulo ng Philippine College of Physicians na nagsabing marami nang na-develop na anti-bodies ang isang taong naturukan na ng bakuna.
Binigyang diin pa ni Dr. Panaligan na normal lamang aniya para sa virus ang mag-mutate bagama’t paiba-iba ang maaaring maging epekto nito sa katawan ng tao.
Habang hihintay pa ang bakuna kontra COVID-19, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na wala pa ring mas iinam kung hindi ang pagsunod sa tamang health protocols tulad ng pagsusot ng mask, pag-iwas sa pakikisalamuha at paghuhugas ng kamay.