Inilatag na ng Overseas Workers Administration (OWWA) sa mga OFW sa Italy, ang unang hakbang na dapat nilang gawin kung uuwi ng Pilipinas.
Ayon kay Atty. Maria Corina Padilla-Buñag, Philippine Labor Attache sa Milan, Italy, kabilang sa requirement ang registration sa one health pass, tatlong araw bago ang departure, na nasa monitoring ng Bureau of Quarantine.
Sagot anya ng OWWA ang pitong araw na quarantine ng mga OFW na miyembro nito, kung saan sa ikalimang araw isasagawa ang swab test at sa paglabas ng negatibong resulta, maaari nang makauwi ang mga naturang Pinoy.
Para naman sa hindi OFW, dapat ay may pre-booked quarantine hotel sa Pilipinas sa loob ng anim na araw at mag-download ng traze application pag-uwi.
Nilinaw ni Buñag na saklaw lamang sa libreng quarantine facility at transport service ang mga Overseas Contract Workers o may trabaho at hindi sa mga walang kontrata o trabaho. —sa panulat ni Drew Nacino