Posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong taon ang pagpapatupad ng bagong curriculum ng K to 12 program.
Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte – Carpio, ang inisyal na resulta ng pag-aaral hanggang sa curriculum ng Grade 10 ay naiprisenta na sa management at executive committee bago ilahad sa national government at pribadong sektor.
Ayon kay Duterte, ganito rin ang prosesong dadaanan ng pagrepaso sa curriculum ng Grade 11 at 12.
Diin ni Duterte, ang pagrepaso sa curriculum ay ibabahagi sa iba’t ibang sektor para makuha ang kanilang panig at mga rekomendasyon para mapagbuti ang K-12 curriculum