Huli sa akto ang isang baggage handler ng Cebu Pacific Airlines habang ninanakawan ang bagahe ng pasahero.
Ayon kay Capt. Tin Cruz, Hepe ng Airport Police sa Ninoy Aquino Internationa Airport (NAIA) Terminal 3, kinilala ang suspek na si Milo Mapunga, 29 anyos.
Nahuli sa akto si Mapunga ng isang security guard habang binubuksan umano nito ang bagahe na pag-aari ng isang pasahero na patungo ng Palawan.
Dito umamin ang suspek na bukod sa kanya, may ilan pang baggage handler ang nagsasagawa ng iligal na aktibidad sa paliparan.
Dahil sa kabiguang magreklamo ng pasahero na nasa Palawan noong maaresto ang suspek, kinumpiska na lamang ng mga awtoridad ang kanyang access pass at inirekomenda na bawal na itong magtrabaho sa paliparan.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)