Kung mayroon kang fur babies, makinig ka sa kwentong ito. Ang isang babae kasi mula sa Pennsylvania, hindi inaasahan na magkakaroon pa sila ng reunion ng kaniyang childhood pet makalipas ang pitong taon matapos niyang mag-ampon ng aso.
Kung paano muling nagkita ang babae at ang kaniyang best friend, eto.
Hindi maiiwasan ng mga aso na gumawa ng ingay at magkalat sa loob ng bahay, at dahil naka-work from home ang tatay ng babae mula sa Pennsylvania na noo’y 14-anyos lang si Nicole Grimes, nadi-distract ito sa alaga niyang aso na si Chloe.
Wala nang nagawa si Nicole at napilitang i-surrender na lang ang kaniyang alaga sa Washington Area Humane Society para ipa-rehome.
Pagkalipas ng pitong taon, habang kaswal na nagso-scroll sa social media ay nakita ni Nicole ang post ng kaniyang friend kung saan naghahanap ito ng bagong mag-aalaga sa senior dog nito.
Walang pagdadalawang-isip na in-adopt ni Nicole ang aso lalo na at napansin niya ang pagkakahawig nito sa kaniyang childhood pet na si Chloe.
Nang tuluyang mapunta sa pangangalaga ni Nicole ang aso, unti-unti itong naghinala na ang 11-year-old na si Chloe at ang alaga niya sa pagkabata ay iisa, lalo na at kung umakto ang aso ay tila matagal na itong sanay sa presensya ni Nicole.
At nang dalhin niya ito sa veterinary clinic, nakumpirma niya sa pamamagitan ng number sa microchip nito na ito ang asong napilitan siyang i-let go noon.
Si Nicole, hindi lubos akalain na muli niya pang makakasama ang minamahal niyang aso. Sinabi niya na inakala niyang hindi niya na ito makikita pang muli, kung kaya pakiramdam niya ay nanalo siya sa lotto nang mabigyan siya ng ikalawang pagkakataon na makasama at alagaan ito.
Sa mga fur parents diyan, pwede niyo bang i-share ang kakatwang kwento nang una niyong na-meet ang mga alaga niyong pusa at aso?