Binigyan-diin ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na pag-aaksaya lamang ng pera ang pag-deploy ng Criminal Investigation and Detection Group ng mga tracker team para hulihin siya.
Ayon sa dating Presidential Spoxman, hindi kailangan ng tracker dahil alam ng lahat kung nasaan siya.
Araw-araw anya siyang nasa likod ng International Criminal Court Detention Facility o sa tinawag nitong Duterte Street.
Binigyan-diin pa ng dating palace official, paraan lamang ito ng otoridad para makakurakot ng pera.
Babala pa ni Atty. Roque, kung sakali man magkaroon ng tracker team sa The Hague, Netherlands, maaaring hulihin ang mga ito dahil sa “usurpation”. —sa panulat ni Kat Gonzales