Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang makaresponde ang mga pulis sa mga insidente ng krimen, pinakamabilis na aniya ay sa loob ng limang minuto.
Ayon sa Pangulo, mahalagang makita ng mga tao ang mga pulis sa kalsada.
Ito aniya ay para maramdaman ng tao na ligtas sila at may agad mahihingan ng tulong sa panahong makaranas sila ng panganib o banta mula sa masasamang loob.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government at PNP na magpatupad na lamang ng iisang emergency hotline sa buong bansa para sa mas mabilis na pagtugon.
Sa ngayon kasi aniya, kani kaniyang hotline numbers ang ginagamit sa bawat lugar at rehiyon na nagdudulot lamang aniya ng kalituhan sa publiko.—sa panulat ni Kat Gonzales