Malabong umabot pa sa 700 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa pagdating ng Pebrero 15.
Paliwanag ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert, hindi sumirit ang mga kaso matapos ang holidays at pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.
Sinabi pa ng eksperto na karamihan sa mga aktibong kaso ay nakaranas lamang ng mild symptoms.
Una nang sinabi ng Department of Health na posibleng umakyat sa 730 ang mga kaso kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng Pebrero kung babalewalain ng publiko ang minimum public health standards.
Binigyang diin naman ni Solante na dahil sa population immunity ay bumaba ang bilang ng mga kaso sa bansa.