Araw-araw ka bang naliligo para manatiling fresh at mabango?
Alam mo ba na hindi kailangang araw-arawin ang paliligo.
Ayon kay Dr. Alvin Francisco, ang ating balat ay mayroong ceramide, ito ay tila langis na nakalatag sa ating balat na nagbibigay ng proteksyon laban sa mga bacteria at germs, may nilalabas din itong chemicals na pumapatay sa mga bacteria at fungi na maaaring sumira sa ating balat.
Dagdag pa ni Dr. Francisco, nagbibigay ang ceramide ng natural glow sa ating balat at pinapantay nito ang ating skin tone.
Kaya naman, kapag mali ang paraan ng paliligo, pwedeng matanggal ang ceramide sa ating balat at pasukin ito ng infection na maaring magdulot ng magaspang at maitim na balat.
Kaya payo ng doktor, dapat less than 10 minutes lang maligo, gumamit din ng maligamgam na tubig at gentle soap, at panghuli, huwag kalimutan magpahid ng moisturizer sa ating balat.
Pero, huwag gawing dahilan ang pagkaubos ng ceramide sa katawan para hindi ka maligo. Be considerate pa rin sa mga nakakaamoy sayo.