Apat na kadete ng Philippine Military Academy ang kumpirmadong sangkot sa isang kaso ng hazing na naganap mismo sa loob ng akademya.
Ayon sa ulat, 4th class cadets ang dalawa sa mga suspek, habang ang dalawa naman ay mula sa 1st at 2nd class.
Batay sa imbestigasyon, ang biktima’y isa ring 4th class cadet na nakaranas ng physical abuse at humiliation mula Setyembre 2 hanggang 29 noong nakaraang taon.
Naging sanhi naman para isugod sa ospital ang biktima ang pag-collapse nito dulot ng sobrang pagod mula sa paulit-ulit na suntok at labis na parusang inabot sa loob ng barracks.
Nabatid na nailipat na sa PMA Station Hospital ang biktima at na-discharge noong Hunyo 30 ngayong taon.
Samantala, wala pa ring inilalabas na pahayag ang PMA at Armed Forces of the Philippines hinggil sa naturang kaso.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave