Itinuturing ni Rizal Provincial Police Office Director Col. Felipe Maraggun na “case solved” na ang naganap na massacre sa isang panaderya sa Antipolo City, kung saan pitong biktima ang pinagsasaksak hanggang mapatay.
Ito, ayon kay col. Maraggun, ay makaraang sumuko rin kahapon ang suspek na kinilalang si alyas Bogart.
Naramdaman na anya ng suspek na malapit na siyang mahanap ng mga otoridad kaya’t lumutang siya sa Camp Crame.
Batay sa imbestigasyon, itinuro ang suspek ng kaanak ng mga biktima nang mapansing nawawala ito makaraang matagpuang duguan at wala ng buhay ang Kanyang mga kasama.
Pawang nagmula sa lalawigan ng masbate sina Bogart at mga panadero at itinayo ang bakery bilang joint venture noon lamang isang taon.
Samantala, hindi naman kumbinsido si Maraggun na si Bogart lamang ang gumawa ng krimen.