Aresto ang anim na indibidwal dahil sa sinasabing pagtatangkang manipulahin ang vote-counting machines upang masigurong mananalo ang isang mayoral candidate sa Iba, Zambales.
Naaresto ang mga suspek sa isinagawang entrapment operation sa isang hotel sa Quezon City.
Nag-ugat ang kaso nang iulat ni Iba mayoral candidate, Atty. Genaro montefalcon ang alok ng grupo na manipulahin ang resulta ng eleksyon para siya ay manalo kapalit ang 30 million pesos.
Kabilang sa mga suspek sina Teody Abalos at Cherrylyn Adriano na nagsabing may koneksyon sila sa Commission on Elections.
Bukod sa dalawang suspek, natimbog din sina Roland Ucab, Joseph Ong, Ralp Edward Salas, at Francis James Mapua.
Mahaharap ang mga arestadong inbidwal sa patung-patong na kaso, kabilang na ang estafa, usurpation of authority, at violating the automated election system law.