Inihayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na anim na rehiyon sa bansa ang nagpositibo sa african swine fever.
Ayon kay Dr. Samuel Joseph Castro, National Deputy Director ng National ASF Prevention and Control Program, kabilang sa mga lugar na apektado dahil aktibong kaso ng asf ay ang Regions 1, 3, 4-a, 6, 8, at 12.
Sinabi ni Castro na mataas ang tiyansa na magkaroon ng kakulangan sa supply ng karne ng baboy sa kasalukuyang quarter ng taon bunsod ng naturang sakit.
Dahil dito, sinisikap na ng kagawaran na maipa-abot hanggang sa barangay ang mga programa para labanan ang asf virus at maabot ang 100% sufficiency level sa supply ng mga baboy.