Isinara na ni Andi Eigenmann ang posibilidad na magkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito.
Ayon kay Andi, naka-move on na siya sa natapos nilang relasyon ni Jake.
Dalawang taon na rin aniya silang hiwalay at mabuti naman silang magkaibigan sa ngayon.
Kasabay nito, sinabi ni Andi na masaya siya sa piling ng kanyang bagong kasintahan.
Pero, tumanggi ang aktres na pangalanan ang kanyang boyfriend.
By Meann Tanbio
Photo: Screengrab from andi eigenmann/Instagram