Muling mababawasan ang alokasyon ng tubig sa Oktubre.
Ito ang inanunsyo ng National Water Resource Board (NWRB) dahil umano sa patuloy na pagbaba ng tubig sa mga dam.
Maglalaan ang NWRB ng 44 cubic meters per second sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa business at residential consumption, habang 25 cubic meters per second naman ang ilalaan sa National Irrigation Administration (NIA) para sa mga sakahan.
Mas mababa ang alokasyon na ito kumpara sa 46 cubic meters per second sa mwss at 30 cubic meters per second sa NIA ngayong Setyembre.
Inaasahan din na ang pagbabawas na ito ng alokasyon ng tubig ay makatutulong para umabot pa hanggang sa susunod na taon ang kasalukuyang tubig na nasa mga dam at may magamit ang buong Luzon.