Inanunsyo ng Philippine Sports Commission ang limang-libong pisong dagdag sa buwanang allowance ng mga atleta at coach na kabilang sa National Training Pool, na magsisimula ngayong Agosto 2025.
Bahagi ito ng suporta ng gobyerno sa paghahanda ng mga pambansang atleta sa mga international competition gaya ng SEA Games at Asian Games.
Layunin ng dagdag allowance na makatulong sa pang-araw-araw nilang gastusin at mapalakas ang kanilang performance sa ilalim ng National Sports Development Program.
Makikinabang dito ang lahat ng miyembro ng National Training Pool.
—sa panulat ni Jasper Barleta