Hindi itinatanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga grupo sa bansa na nakikisimpatiya sa ISIS pero, hindi ibig sabihin nito ay may kaugnayan na ang lokal na grupo sa nasabing international terrorist group.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, wala silang namomonitor na credible, verified at direct link na magpapakita o kukumpirma ng ugnayan ng ISIS sa anumang grupo sa Pilipinas.
Dahil dito, nakiusap si Padilla sa mga mamamahayag na huwag nang banggitin pa ang mga pangalan ng mga ISIS inspired group o mga lokal na grupo sa Pilipinas na nakikisimpatiya sa ISIS upang maiwasang magkaroon ng media mileage at hindi na makapag-recruit pa ng mga miyembro ang mga local terror group na ito.
Ang pahayag na ito ay ginawa ng AFP official bilang reaksyon matapos akuin ng ISIS ang mga pag-atake sa Jakarta, Indonesia.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal