Siniguro ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na walang magaganap na kudeta sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ayon kay Gen. Brawner, mananatiling tapat ang militar sa Konstitusyon at chain of command.
Iginigiit din ng AFP chief na propesyonal ang Sandatahang Lakas at patuloy nilang itataguyod ang reforma, pananagutan at disiplina sa loob ng kanilang organisasyon.
Kasabay nito, nagbabala si Gen. Brawner sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon at gumagawa ng gulo at sumisira sa milit.
Hinimok din ng pinuno ng AFP na maging maingat sa pagsagap sa mga sensitibong balita, partikular na kung kaugnay ito sa pambansang seguridad at siguraduhin din aniya kung totoo ang mga akusasyon.
—sa panulat ni John Riz Calata