Aabot sa 31 Pilipino ang maaaring maging biktima ng human trafficking at mapilitang gumawa ng Cryptocurrency Investment Scam sa Myanmar.
Ito ang ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros matapos una na rin nitong sabihin, na ang mga pinoy ay nire-recruit sa pamamagitan ng mga pekeng advertisement ng trabaho.
Ayon kay Hontiveros, pinapangakuan ang mga pilipino sa isang call center company bilang customer service representative o bilang data encoder.
Pero kapag tinanggap ng pinoy ang trabaho ay dito na ito kikidnapin.
May ulat din aniya na may planong magtatag ng mga Chinese Mafia ng grupo ng mga filipino scammers sa Myanmar.
Sa ngayon, pagtitiyak ng senadora na tinutugunan na ng mga ahensya ng gobyerno ang isyu, partikular ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE). - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan