Tinatayang siyamnapu’t dalawang (92) tauhan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang tinanggal sa serbisyo matapos na magpositibo sa iligal na droga.
Ayon sa Department of National Defense o DND, may kabuuang 32, 795 na AFP personnel ang sumailalim sa drug testing simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga nagpositibo ang isang military officer, 64 enlisted personnel, 14 militiamen at 4 na civilian employee noong 2016
Habang siyam (9) na enlisted personnel pa ang nadagdag sa mga nagpositibo noong 2017.
Una nang lumagda ng memorandum of agreement si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagaatas sa DND na magsagawa ng random drug testing sa lahat ng personnel nito at mga aplikante.
By Rianne Briones
92 tauhan ng AFP sibak matapos magpositibo sa droga was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882