Arestado ang 8 katao kabilang ang isang pulis at konsehal ng barangay sa isang anti-drug operation sa Butuan City.
Kinilala ni Chief Insp. Elizabeth Jasmin, Public Information Officer ng PNP-CIDG ang mga suspek na sina PO1 Joseph Umipig, Brgy. Councilor Richard Samson, Regie Cubero, Camid Ali, Ronaldo Dorlones, Danilo Narisma, Genalyn Yu, at Virgilio Idjao.
Sinasabing si Idjao ang may-ari ng drug den na nilusob ng mga awtoridad.
Na-recover umano sa mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, assorted drug paraphernalia at drug money.
Nasamsam naman kay umipig ang isang caliber .45 pistol at isang magasin na puno pa ng bala.
By Jelbert Perdez