Inaprubahan ng World Bank ang hiling ng pamahalaan na 700-million-dollar loan upang matulungan ang mga komunidad na maging mas handa at mas matatag sa tuwing may kalamidad.
Ayon sa World Bank, tinatayang nasa labingwalong milyong bahay sa buong bansa ang target ng Philippines Community Resilience Project sa mga darating na taon dahil sa pinalakas na community-led planning at infrastructure investments.
Upang suportahan ang proyekto, ipagkakaloob ng World Bank sa Pilipinas ang nasabing halaga sa pamamagitan ng isang “International Bank for Reconstruction and Development Loan” na may kabuuang halaga na 874.35 million dollars.
Samakatuwid, ang pamahalaan ang magbabayad ng nalalabing 174.35 million dollars sa kabuuang halaga.
Ayon pa sa World Bank, priority ng proyekto ang nasa limandaang climate-vulnerable na bayan mula sa apatnapu’t siyam na lalawigan sa bansa.—sa panulat ni Anjo Riñon