Umakyat sa 60.5% o 41,412,361 ang bilang ng mga gen z at millennial na nag-register para bumoto sa halalan ngayong taon, higit na mas mataas kumpara sa naitalang bilang ng mga ito noong 2022 elections na 56% o halos 37 million.
Naitala ang mahigit 23 million voters sa mga millennial na nasa edad 29-44 na ngayong taon, habang mahigit 18.3 million naman ang mga botante mula sa mga gen z o mga nasa edad 18-28.