Arestado ang 6 na armadong lalaki na nagpakilalang mga ahente ng Nationa Bureau of Investigation (NBI) sa isang KTV bar sa Angeles City, Pampanga.
Tinukoy ni PNP CIDG Chief Police Dir. Benjamin Magalong ang mga suspek na sina Jover Omega, Lito Saguitan, Edgar Allan Villalon, Teofilo Patyag, Jeffrey David at Jonathan Castillo.
Sinabi ni Magalong na kanilang naaresto ang grupo, sa tulong ng isang tawag mula sa isang Korean desk officer.
Nagsasagawa umano ang grupo ng random inspection sa mga Korean establishment, nilang bahagi ng kampanya nito laban sa human trafficking.
Maliban sa pangingikil sa mga may-ari ng establisyemento, hindi din nagbabayad ng kanilang bill, at nanghihingi din ang mga ito ng alak.
Nakuha mula sa grupo ang ilang baril, NBI paraphernalia at daan-daang bala.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal