Paiigtingin ng pamahalaan ang monitoring at auditing sa mga pharmaceutical companies at botika upang masigurong nasusunod ang VAT exemption sa karagdagang siyam na gamot.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na sakop ng exemption ang mga gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, kidney disease, at tuberculosis habang may hiwalay ding circular ang ahensya na nag-aatas na i-exempt ang karagdagang tatlong gamot para sa mental illness.
Paliwanag ng BIR official na ang VAT exemption ay alinsunod sa itinatakda ng Create Act at Train Law na nagbibigay ng VAT exemption para sa piling health products.
Dahil sa exemption, inaasahang bababa ang presyo ng mga nasabing gamot ng hanggang 12 porsyento.
Katuwang naman ng BIR sa pagbabantay ang FDA at ang Department of Trade and Industry. - sa panulat ni Jenn Patrolla