Limampu’t isa (51) katao ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos dumalo sa isang pool party at inuman sa Barangay Nagkakaisang Nayon sa Quezon City.
Ang mga nasabing kaso ay kabilang sa 610 dumalo na isinailalim sa RT-PCR swab tests matapos ang nasabing event.
Sa ibinahaging video footage ng Quezon City local government, makikita ang mga dumalo na walang suot na face mask o face shield habang magkakatabi sa tinagurian nitong superspreader event.
Kasabay nito, pinayuhan ni Mayor Joy Belmonte ang publiko na bawal pa rin ang malalaking social gatherings sa ilalim ng general community quarantine.