Tinapos na ni 5-time NBA Champion Kobe Bryant ang kanyang 20 taong basketball career.
Ito’y sa pamamagitan ng 60 puntos na kanayang sinikwat sa huling laro niya sa NBA at Los Angeles Lakers kontra Utah Jazz.
Matagumpay na pinangunahan ni Bryant ang panalo ng Lakers kung saan ay nagpakawala ito ng mga tres sa huling quarter ng laro dahilan upang makahabol ang Los Angeles at tuluyang maiselyo ang laro sa iskor na 101-96.
Sa huli, pinasalamatan ni Bryant ang kanyang pamilya, mga kasamahan at mga basketball fan para sa suporta aniyang ibinigay sa kanya ng mga ito sa kanyang 20 taong boxing career.
‘Tribute for a champ’
Isang tribute ang ibinigay ng NBA para kay 5-time NBA Champion Kobe Bryant.
Ito ay para sa huling laro ni Kobe kung saan pinangunahan nito ang Los Angeles Lakers kontra sa Utah Jazz.
Ngayong araw ang pagtatapos ng 20 taong karera sa basketball ni Kobe matapos itong mag-desisyong mag-retiro na at hubarin ang kanyang basketball jersey.
Ilan sa mga nagbigay ng mensahe kay Kobe ay ang mga dati at kasalukuyang kasamahan sa Lakers gaya ni Shaquille O’Neal, mga nakalaban gaya nila Lebron James at Stephen Curry at dating coach na si Phil Jackson.
Kabilang sa makasaysayang basketball record ni Kobe ay ang naitalang 33,521 career points nito na pangatlo sa NBA history kasunod nila Kareem Abdul-Jabbar at Karl Malone.
Hawak din ni Kobe ang pangatlong may pinakamaraming puntos sa NBA Playoffs sunod kina basketball legend Michael Jordan at Kareem Abdul-Jabbar matapos nitong makapagtala ng 5,640 points.
Si Kobe din ang pangalawa sa NBA history na may pinakamaraming naipuntos sa loob ng isang laro makaraang kumana si Kobe ng 81 points sa laban ng Lakers kontra Toronto Raptors noong 2006.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters