Mararamdaman na simula ngayong araw ng mga empleyado ng gobyerno ang ika-apat na bahagi ng umento sa kanilang sahod.
Nakasaad sa inilabas na National Budget Circular Number 575 ng Department of Budget and Management (DBM) na ipatutupad na ang fourth tranche ng salary adjustment sa lahat ng sibilyang empleyado ng gobyerno.
Nakasaad din sa kautusan ni DBM Officer in Charge Janel Abuel na retroactive ang naturang umento sa sahod mula noong Enero ng kasalukuyang taon.
Dahil dito ay matatanggap na mula ngayong araw ng mga government employees ang kanilang tatlong buwang umento sa sahod.
Samantala, saklaw ng compensation adjustment ang pangulo ng Pilipinas hanggang sa pinakamababang kawani ng gobyerno.