NADISKUBRE na sa mga katimugang bayan ng Bataraza at Brooke’s Point sa Palawan ay nagkaroon ng tahimik na pagbabago na dulot ng mga smartphone.
Ito’y matapos magsanib-pwersa ang Globe, GCash, at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang mga pamilya ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) sa kanilang unang hakbang papasok sa digital world.
Sinasabing sa pamamagitan ng Pre-loved Phone Donation Drive, ang mga refurbished smartphone ay ipinamahagi sa 256 benepisyaryo, marami sa kanila ay gumagamit ng smartphones sa kauna-unahang pagkakataon.
Nabatid na para sa mga pamilyang ito, ang isang mobile phone ay higit pa sa isang kasangkapan para sa pagtawag o pagte-text. Isa itong mas ligtas at mas kumbinyenteng paraan sa pagtanggap ng suporta mula sa gobyerno sa pamamagitan ng GCash. Bukod pa rito, nagbubukas din ito ng oportunidad para sa online learning, pagsisimula ng maliit na digital na negosyo, o pananatiling konektado sa mga mahal sa buhay. Nagbibigay ito ng mga pang-araw-araw na kaginhawaan na dati ay hindi naaabot.
“This is about inclusion and access to opportunity,” sabi ni Carl Cruz, Globe President at CEO. “We hope these devices would help families not only receive their cash grants easily, but also for them to get the various opportunities to uplift their lives that technology makes possible.”
Aniya, ang inisyatibo ay bahagi ng “E-Panalo ang Kinabukasan” campaign ng DSWD, na naghahatid ng digital financial literacy at tools sa mga pamilya ng 4Ps, lalo na yaong mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas.
Ang mga volunteer mula sa Globe, GCash at Ayala Foundation ay tumulong sa mga benepisyaryo sa Palawan sa pag-set up ng kanilang mobile phones, pagrehistro sa kanilang SIMs, at paglikha ng GCash accounts.
Maliban dito, nagdaos din ang BPI Foundation ng financial literacy sessions upang tulungan ang mga pamilya na higit na maging kumpiyansa sa pag-manage ng kanilang mga pondo.
“Our aim is to bring government services closer to where people are,” pahayag naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian. “With digital tools in hand, families no longer need to walk long distances just to access their cash grants. That alone can change lives.”
Nangyari ang milestone na ito kasunod ng mga naunang inisyatibo sa Navotas at Romblon, kung saan mas maraming pamilya ang nakatanggap ng mga mobile phone at digital na pagsasanay. Sa bawat lugar, naging maganda ang tugon, puno ng pasasalamat, kasiyahan, at lumalaking pag-asa mula sa mga benepisyaryo.
Iginiit ng GCash, nangungunang finance app at ang pinakamalaking cashless ecosystem ng bansa, ang misyon nito na ihatid ang ‘Finance for All’, lalo na sa geographically isolated and disadvantaged areas.
“This is more than just onboarding users, it is about financial inclusion and making sure no one gets left behind in the digital economy. Beneficiaries can receive their GCash directly and efficiently and they also gain access to digital financial services to support their daily needs.” pahayag naman ni Oscar Enrico Reyes Jr., President at CEO ng G-Xchange Inc., mobile wallet operator ng GCash.
Kaya ang level 1 beneficiaries ng 4Ps program sa Bataraza at Brooke’s Point ay madali na ngayong maa-access ang kanilang cash grants.
Sa pagkakaloob sa kanila ng inayos na smartphones at digital banking services, hindi na nila kailangang magtiis sa 8-oras na biyahe papuntang mga ATM o umasa sa informal agents na naniningil ng hindi makatuwirang bayad.
Samantala, ang digital at financial empowerment campaign na ito ay inilatag sa pakikipagtulungan sa MIMAROPA Field Office ng DSWD, kung saan maraming barangay na nasasakupan nito ang nananatiling geographically isolated at underserved.