Aabot sa 405 milyong mag-aaral mula sa 23 bansa ang nananatiling apektado ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), 23 mga bansa pa mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang hindi pa tuluyang nakakapagbukas ng kanilang mga paaralan.
Habang marami ring mag-aaral ang nanganganib na tumigil sa kanilang mga pag-aaral.
Malaking kawalan naman para kay UNICEF Executive Director Catherine Russell ang nangyari na maaaring magbunsod sa inequality sa pag-access sa karunungan sa pamamagitan ng edukasyon.
Sa datos ng UNICEF, nasa 147 milyong mga kabataan ang hindi nakadalo sa mahigit kalahati ng kanilang in-person classes sa nakalipas na dalawang taon. —sa panulat ni Abby Malanday