Patay ang 27 katao sa isang mortar attack sa provincial capital ng Baquba sa Iraq ayon sa mga police at medics.
Hindi malinaw kung sino ang nagpakawala ng mortar sa Northern Town.
Nahaharap ngayon ang Iraq sa maraming hamon pang seguridad, kabilang ang Sunni Islamic State militants na may kontrol sa malaking bahagi ng bansa na nagpapaigting ng tensyon sa iba’t ibang sekta doon.
By Mariboy Ysibido