Dumating na sa bansa ang 207,090 doses ng Pfizer na binili ng Pilipinas kontra COVID-19 kagabi.
Dumating na sa bansa ang karagdagang mahigit dalawan daang libong doses ng Pfizer Biontech COVID-19 vaccine kagabi.
Nasa 207, 090 na doses COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno mula sa manufacturer ng Pfizer at German Biontech.
Ang naturang bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang alas nuebe kagabi.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, ang mga dumating na bakuna ay ilalaan para sa pagbabakuna sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Ang mga nasabing bakuna ay nakatakdang ipamahagi sa lalawigan Cebu at Davao City.