Opisyal nang nagtapos ang 2018 Asian Games sa Indonesia.
Sa kabila ng malakas na ulan, naging engrande ang closing ceremony na isinagawa sa Gelora Bun Karno Stadium sa Jakarta sa pangunguna ni Indonesian President Joko Widodo.
Nanguna sa medal tally ang China, sinundan ng Japan at South Korea habang pang-apat ang host-nation na Indonesia.
Napako naman sa 19th spot ang Pilipinas na may dalawampu’t isang medalya o apat na gold, dalawang silver at labinlimang bronze.
#PSCAsiadUpdates: As the 18th #AsianGames Jakarta-Palembang 2018 nears its end, the Philippines is looking to hang on the 19th spot in the Medal Tally as of 4:00PM | via https://t.co/Z3Vn9USace#LabanAtletangPilipino#TeamPHIsaAsianGames2018#ParaSaInangBayanpic.twitter.com/qgn9pBZZ7m
— Philippine Sports Commission (@psc_gov) September 1, 2018
Samantala, matapos ang matagumpay na hosting ng 18th Asian Games, ini-anunsyo ni Widodo na handa na ang Indonesia na sumabak sa bidding para sa hosting naman ng 2032 Olympics.
—-